Sino ang makakatukyan sa dalawang BF?

Sulat mula kay Sheila ng Mayamot, Antipolo City, Rizal
Dear Sir Greenfield,
Naguguluhan po ako sa dalawang boyfriend ko sa kasalukuyan kaya naisipan kong sumulat sa inyo. Gusto ko na po kasing mamili na sa kanila at sa susunod na taon ay balak ko na pong mag-asawa, 31 na kasi ako sa ngayon at mag-32 na next year. Hindi ko po malaman kung sino ang dapat kong piliing sa kanilang dalawa, at kung sino ang ka-compatible kona kapag ako nag-asawa na ay magiging maunlad at habang buhay na maligaya? August 13, 1983 ang una kong boyfriend na tawagin na lang nating Mr. Leo at May 14, 1984 naman ang ikalawa na tawagin na lang nating Mr. Taurus, habang December 27, 1985 naman po ang birthday ko.
Umaasa,
Sheila ng
Antipolo City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kitang-kita ang dalawang mahaba at makapal na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1. at 2.) sa iyong palad. Ibig sabihin dalawang magkasabay ngang boyfriend ang darating sa iyong buhay, pero pansinin mong higit na mahaba ang ikalawa (arrow 2.) kung ikukumpara sa nauna. Ibig sabihin kung sino ang ikalawang lalaking dumating sa buhay mo malamang na yon na ang iyong mapapangasawa at makakasama habang buhay.
Cartomancy:
Seven of Diamonds, Ten of Hearts at Jack of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung sino sa dalawang lalaki ang halos kasing edad o kasing tanda mo na medyo may kaya sa buhay o mayaman, tiyak ang magaganap, sa susunod na taong 2017, may isang masaya at pang habang buhay na pag-aasawang itatala sa iyong kapalaran.
Itutuloy….

Read more...