Claudine balik-ABS-CBN; bibida sa bagong episode ng MMK

claudine barretto

GOOD news para sa mga supporters ni Claudine Barertto. Muling mapapanood ang aktres sa longest drama anthology sa bansa, ang Maalaala Mo Kaya hosted by Charo Santos.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ng tinaguriang Optimum Star ang picture ng isang call slip mula sa produksyon ng MMK. Ang tanging nakalagay dito ay ang kanyang gagampanang karakter sa kuwento, bilang si Lorena.

Nilagyan niya ito ng caption na: “Well well well hello there!”

Noong 2015 huling napanood si Claudine sa MMK matapos iwan ang GMA 7 kung saan ilang taon din siyang nanatili at gumawa ng ilang teleserye. Sa nasabing episode ng MMK, ginampanan niya ang karakter ni Leni na ginahasa ng kanyang ama played by Gardo Versoza.

Wala pang announcement mula sa ABS-CBN kung kailan eere ang bagong MMK episode ni Claudine.

Read more...