Pia Wurtzbach nag-courtesy call kay Cardinal Tagle

pia wurtzbach

NAG-COURTESY call si Miss Universe Pia Alonzo Wurtzbach kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle para i-turn over ang kanyang mga donation para sa fundraising bazaar ng Caritas Manila para sa mga kabataang iskolar.

Binisita ni Wurtzbach si Tagle sa archbishop’s residence sa Intramuros, Maynila kaninang umaga.

Binasbasan pa ni Tagle si Wurtzbach, na nakasuot ng puti at asul na gown.

Nagkaroon din ng closed-door meeting si Tagle at Wurtzbach na umabot ng isang oras.

Binigyan din ni Tagle si Wurtzbach ng rosaryo na mula kay Pope Francis.

Kabilang sa mga artista na nagbigay ng donasyon para sa celebrity bazaar ay sina Kris Aquino, Vice Ganda, Derek Ramsay, Dr. Vicki Belo, ang kanyang kapareha na si Hayden Kho at kanilang anak na babae na si Scarlet Snow Belo, Tim Yap, Anne Curtis, at Sarah Geronimo.

Sinabi ni Caritas Manila President Fr. Anton Pascual na gaganapin ang bazaar mula Disyembre 13 hanggang 14 sa Glorietta 5 Atrium sa Makati City,  kung saan target na makalikom ng P2 milyon.

Read more...