Sulat mula kay Jordette ng Burgos, Botolan, Zambales
Problema:
1. Twenty-four years old na po ako sa ngayon at hindi pa rin nagkaka-boyfriend kahit kailan. At tuwing magpapasko na lang ay ganito po ko, malungkot at walang ka-date, samantalang yong mga pinsan at kaibigan ay may kanya-kanya ng boyfriend parang sa tingin ko ang saya-saya nila.
2. Naisipan ko pong sumangguni sa inyo u-pang itanong kung kailan kaya ako magkaka-boyfriend? At kung magkaka-boyfriend ako aabot pa kaya sa pasko? June 29, 1992 ang birthday ko.
Umaasa,
Jordette ng Zambales
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) ay nagsasabing isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Scorpio ang manliligaw sa iyo sa buwan ng ding ito ng Disyembre habang binubuo mo ang simbang gabi, at sa bandang huli, madaling magkakahulugan ang inyong loob hanggang sa maging kayo na.
Numerology:
Ang birth date mong 29 ay nagsasabing namang ang makakarelasyon mong lalaki ay isinilang sa petsang 7, 16 o kaya’y 25. Isang magara at romantikong pag-ibig ang mamagitan sa inyo na sa bandang huli ay maaari na ring mauwi sa isang masaya at pang habang buhay na pagsasama.
Luscher Color Test:
Sa inyong pagkikita ng nasabing lalaki, ikaw ay nakasuot ng kulay na green habang siya naman kung hindi naka-blue ay naka-white na damit. I-yon ang palatandaang magiging magka-compatible kayo at magiging maligaya ang bubuuin ninyong relasyon
Physiognomy:
Ang hugis ng iyong mukha na medyo chinita at medyo cute ay nagsasabing isang ba-lingkinitang lalaki ang makakarelasyon mo na medyo payat na mahusay o magaling magdala ng damit. Neat siyang tingnan, kaya madali mo siyang magugustuhan, habang gustong-gusto naman niya ang tindig o porma mo na medyo pocket size. cute. Sa ganoong pagtitinginan, tulad ng nasabi na, mabubuo ang isang matimyas at pang habang buhay na pagmamahalan.
Huling payo at paalala:
Jordette ayon sa iyong kapalaran, hindi matatapos ang taong ito ng 2016 darating na ang hinihintay mong lalaki na magiging seryoso at totohanan mong magi-ging boyfriend. Magiging romantiko sa inyong relasyon hanggang sa sumapit ang taong 2018 sa edad mong 26 pataas, tuluyan na kayong magiging mag asawa hanggang sa makabuo ng isang maligaya at pang habang buhay ng pamilya.