TINULDUKAN na ng GMA Network ang mga alingasngas na hindi na gagawin ni Jennlyn Mercado ang Pinoy version ng hit Koreanovela series na My Love From The Star.
Ipinakilala na kasi ang bagong leading man ni Jen, ang modelong si Gil Cuervo, sa 24 Oras last Friday. Siyempre pa, guwapo at sumakto ang hitsura ni Gil sa character niyang si Matteo Do.
Base sa Facebook account ni Gil, wala pa siyang karanasan sa pag-arte. But take note na nagkalat sa posts niya ang seksi niyang shirtless pictures, huh! Bumu-Borgy Manotoc din ang face niya sa kanyang pics.
And yes, yummy and delicious si Gil sa pictures niyang labas ang kanyang mga pandesal!
MOST READ
LATEST STORIES