Emoterang young actress galante sa mga dating kaibigan

BLIND ITEM WOMAN 0219

ABA, kahit naman pala mahilig sumimangot ang isang young actress ay marunong siyang lumingon sa kanyang pinagmulan, hindi pala siya nakalilimot sa kanyang mga dating kaibigan.

Mula sa isang malayong probinsiya sa bandang South ang young actress, sinuwerte siyang manalo sa isang malawakang talent search, hanggang sa makilala na siya at ang kanyang ka-loveteam.

Madalang siyang makauwi nu’n dahil sa dami ng kanyang trabaho, iniisip ng kanyang mga dating kaklase na nagbago na siya, hanggang sa isang araw na nakalibre siya sa mahigpit niyang schedule ay sinorpresa ng young actress ang kanyang mga kaibigan.

Kuwento ng aming source, “At sosyal siya, ha? Kumuha siya ng mga kuwarto sa isang hotel sa kanila, du’n niya inipon ang mga dati niyang kaibigan at kaklase.

“Siya ang sumagot sa lahat ng gastos, namasyal silang magkakaibigan, dinala pa nga niya ang mga kaibigan niya sa isang island at maghapon silang nagkuwentuhan du’n.

“Iyak siya nang iyak, kasi nga, matagal niyang hindi nakita ang mga friends niya, ‘yung mga nag-aaral lang sa Manila ang paminsan-minsan niyang nakikita dahil sa sobrang dami ng work niya.

“Nakakatuwa si ____ (pangalan ng batang aktres), talagang binabalik-balikan niya ang pinanggalingan niya. Hindi siya nakalilimot, talagang tumodo siya pagdating na sa mga old friends niya,” papuri sa young actress ng aming source.

Problemang pampamilya ang naging dahilan ng hindi pag-uwi sa kanilang probinsiya ng girl nu’n, mahaba ang kuwento, pero natapos na rin ang problemang dinadala niya.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, hindi na niya kinikimkim ang kanyang saloobin ngayon, kaya siguradong getlak n’yo na kung sino ang bumibida sa ating kuwento.

Read more...