Rain or Shine Elasto Painters tinambakan ang Blackwater Elite

NAGSAGAWA ng matinding ratsada sa second half ang Rain or Shine Elasto Painters para matambakan ang Blackwater Elite, 107-93, sa kanilang 2016-17 PBA Philippine Cup elimination round game kahapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Pinangunahan ni James Yap ang Elasto Painters sa itinalang season-best 15 puntos kabilang ang 2-of-4 3-point shooting na sinamahan niya ng limang rebounds.

Si Raymond Almazan ay nagtala ng double-double sa ginawang 14 puntos at 16 rebounds habang si Jewel Ponferrada ay may 13 puntos at anim na rebounds.

Pinamunuan ni Raymond Aguilar ang Elite sa kinamadang 15 puntos, tatlong rebounds at dalawang assists habang si Mac Belo ay nag-ambag ng 13 puntos, siyam na rebounds at tatlong assists.

Read more...