Paolo binigyan ng Award of Distinction sa 2016 Indie Bravo Awards

PAOLO BALLESTEROS

PAOLO BALLESTEROS

NAKAHABOL si Paolo Ballesteros sa 2016 Indie Bravo Awards ng Philippine Daily Inquirer para tanggapin ang kanyang Award of Distinction for his movie “Die Beautiful”.

Bumaha ng papuri sa Instagram ni Paolo nang idispley niya ang kanyang acting trophy. May wishers pa siyang sana ay maka-grand slam siya as best actor. Malakas din kasi ang laban niya sa kategoryang ito sa Metro Manila Film Festival.

Sa totoo lang, kahit pagod galing sa Eat Bulaga, sige pa rin si Pochoy sa pagtulong sa promotions ng festival entry niya. And after “DB”, may nakalinya nang gagawing bagong movie si Paolo, huh!
Congratulations, Paolo!

Read more...