TNT KaTropa target ang ikatlong panalo

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Blackwater vs Rain or Shine
7 p.m. Meralco vs TNT KaTropa
Team Standings: Phoenix Petroleum (2-1); TNT KaTropa (2-1); San Miguel Beer (2-1);  Blackwater (2-1); GlobalPort (2-1); Rain or Shine (2-1); Barangay Ginebra (1-1); Meralco Bolts (1-1); Alaska (1-2); NLEX (1-2); Star (1-2); Mahindra (0-3)

MAHABLOT ang ikatlong panalo ang puntirya ng TNT KaTropa Texters sa pagsagupa sa sister team na Meralco Bolts sa kanilang 2016-17 PBA Philippine Cup elimination round game ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Maghaharap ang Texters at Bolts sa alas-7 ng gabi na main game matapos ang alas-4:14 ng hapon na opening game sa pagitan ng Blackwater Elite at Rain or Shine Elasto Painters.

Galing ang TNT KaTropa sa panalo laban sa Blackwater (99-92) at Barangay Ginebra Kings (108-103) habang ang Meralco ay magmumula sa pagwawagi kontra NLEX Road Warriors (106-93).

Pareho namang habol ng Rain or Shine at Blackwater na makuha ang ikatlong panalo sa kanilang paghaharap.

Ang Elasto Painters ay manggagaling sa kabiguang ipinalasap ng Gin Kings, 81-74, noong Linggo habang ang Elite ay pinadapa ng Texters, 99-92, noong nakaraang Biyernes.

Read more...