Jean, Jomari huli sa aktong magka-date sa casino, magdyowa na nga ba?

JEAN GARCIA AT JOMARI YLLANA

JEAN GARCIA AT JOMARI YLLANA

TINUTUKSO si Jean Garcia sa blogcon ng “Mano Po 7: Chinoy” nang sabihin sa kanyang naispatan silang magkasama ni Jomari Yllana sa Solaire Resorts & Casino last week. Maang-maangan acting nu’ng una si Jean.

“Sino? Ha! Ha! Ha!” tanong ni Jean. Saka siya sumagot. “Nanood kami ng concert sa The Theater ng Solaire nina Bituin, Radha at Frenchie Dy. Nagkasama kasi kami ni Jomari ng more than a year sa The Half Sisters. Saka friend niya si Radha. Ha! Ha! Ha! Friend kami ni Joms,” rason niya.

Eh, ano naman ‘yung balitang may Chinoy raw siyang ka-date ngayon? “Ay ano ba ‘yan? Ang dami naman! Ha! Ha! Ha! Ang alam ko, Japanese ‘yung huli kong boyfriend!” tugon ni Jean.

Kahit lola na kasi, hot pa rin ang dating ng Kapuso actress. Balingkinitan pa rin ang katawan kaya marami pa ring naaakit sa kanya.

Anyway, present ngayong hapon si Jean at iba pang cast ng “Mano Po 7” sa Grand Parade & Premiere Night ng Regal family movie. Magsisimulang umikot ang karosa ng 5 p.m. sa harap ng SM Megamall Fashion Hall at iikot sa buong area ng Megamall at saka pupunta ang cast sa red carpet preem ng film sa Cinema 9.

Sa Sunday, Dec. 11, sa streets of Binondo ang makulay na parade ng “MP7” at sa Lucky Chinatown Mall naman ang assembly ng 4 p.m.

Read more...