Boobay bumubuti na ang kundisyon, nakalabas na ng ospital

BOOBAY AT MARIAN RIVERA

BOOBAY AT MARIAN RIVERA

SA bahay na magpapagaling ang Kapuso gay comedian na si Boobay matapos ang mahigit isang linggong pagkaka-confine sa ospital sanhi ng stroke.

Inilabas na ng ospital si Boobay o Norman Balbuena sa totoong buhay dahil bumuti na nga ang kundisyon nito sa ilang araw na gamutan sa ospital.

Sa kanyang Instagram account, muling nag-post ang partner ni Boobay na si Kent Juan Resquir ng update tungkol sa kalagayan ng komedyante after nitong isugod sa ICU dahil sa acute stroke.

Nakauwi na nga raw ang Kapuso comedian at tuloy-tuloy na ang pag-recover nito, pero aniya kailangan pa rin nitong ipagpatuloy ang pagpapagamot at speech therapy.

“Boobay is now discharged from the hospital; fully recovered from the weakness due to complete bed rest but still needs continuous medication and speech therapy. So far, he’s doing a great job at it.

“Let us continue praying for his early comeback at the stage,” ayon sa mensahe ni Kent sa kanyang IG account.

Medyo nahihirapan pa rin daw na magsalita si Boobay kaya ito raw ang tututukan ng kanyang doktor sa mga susunod na araw. Inaasahan naman ng mga kaibigan ni Boobay na tuluy-tuloy na ang kanyang paggaling.

Read more...