Magbabago pa ba ang iresponsableng mister (2)

Sulat mula kay Jasmin  ng Pinguay, Baras, Rizal
Problema:
1. Maliit na bata pa lang ako ay pangarap ko na pong yumaman, kaya naman nagsikap akong makatapos ng kolehiyo, nag-self-supporting ako at sa awa naman ng Diyos ay nakatapos ako, nakapag-trabaho hanggang sa ako ay nakapag-asawa. Ang problema nakapangasawa ako ng isang lalaking iresponsable, sugarol at walang regular na trabaho. Hanggang ngayon siya ang pasakit sa buhay, hindi ko naman mahiwalayan, kasi nga siya ang ama ng mga anak ko.
2. Sa ngayon nagta-trabaho ko habang walang trabaho ang asawa ko. Minsan ay naguguluhan na ako hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko kung paano ko maitataguyod sa kolehiyo ang aming mga anak. Kaya naisipan kong sumangguni sa inyo ay upang itanong kung magbabago pa ba ang batugan kong asawa at may pag-asa pa kaya kaming makaahon sa kahirapan at yumaman? January 31, 1983 ang birthday ko at May 13, 1981 naman ang mister ko.
Umaasa,
Jasmin ng Rizal
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aquarius (Illustration 2.) ang nagsasabing pagkatapos ng marami at matitinding kahirapan, tiyak ang magaganap, magbabago ang iyong buhay patungo sa isang magara at kapana-panabik na pag-unlad.
Numerology:
Ayon sa birth date mong 31, ang magara at kapana-panabik na pag-unlad ay nakatakdang maganap, sa susunod na taong 2017 sa edad mong 34 pataas, kung saan, sa panahong tinuran makapangingibang bansa ka. At ang pangingibang bansang iyon ang magiging simula upang tuloy-tuloy ng gumanda ang iyong tadhana at kapalaran.
Graphology:
Ngunit upang matupad ang positibong pag-aanalisa sa Astrology at Numerology, kailangang magkaroon ka ng bahagyang pagbabago sa iyong lagda. Imbis na tinapos mo sa pababang guhit ang iyong signature, iangat mo ito pataas. Sa ganyang paraan mabilis na aangat ang iyong kapalaran patungo sa isang masagana at maunlad na pamilya.
Huling payo at paalala:
Jasmin ayon sa iyong kapalaran, ito na ang tamang panahon upang magbago ng landas kaya nga ang dapat simulan mo ng mag-aplay sa abroad, upang sa susunod na taon 2017 sa edad mong 34 pataas, sa buwan ng Mayo kaya’y Hulyo, magaganap ang isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansa na siya na ring magiging simula upang umangat ang inyong kabuhayan hanggang sa tuloy-tuloy ng makaahon sa kahirapan at sa bandang huli malaki rin ang posibilidad na bigla kayong yayaman.

Read more...