NAKAKABILIB ang sipag at energy ni Richard Yap para sa promotions ng Regal movie na “Mano Po 7: Chinoy”.
Kahapon, naglibot siya sa ilang Chinese schools upang makachika ang ilang officials and then, nagkaroon pa siya ng meet and greet sa mga estudyante.
Take note na walang tanggi si Richard basta rin lang pasok sa kanyang schedule, huh! Then, this Sunday, Dec. 11, bukod sa parade sa SM Megamall, bukas, Biyernes, magkakaroon din ng parada sa Binondo upang ibalita sa mga naninirahang Chinoys doon ang showing ng “MP7”.
Unlike the other “Mano Po” installments, dito sa latest version, nakasentro ang kuwento sa padre de pamilya na ginagampanan nga ni Richard. Malaking tulong ang pagiging Chinoy niya lalo na’t may dialogue siyang Chinese. Nagku-contribute din siya sa tamang tradisyon ng lahi nila upang lumabas na authentic ang movie.
“Kami ang nagsasabi ni direk Ian (Lorenos) kung ano ‘yung dapat ilagay sa script para hindi kami mapintasan na mali ‘yung nasa movie. So may changes kaming ginawa para maging realistic ang film,” pahayag ni Richard sa blogcon ng movie.
Eh, sa Chinese, nangyayari ang tinatawag na fixed marriage. Pero pagdating sa kanyang mga anak, ayaw gawin ‘yun ni Richard.
“Ang wife ko is Filipina eh. Ako lang ang Chinese talaga. Nu’ng sa akin, sa panahon ko. Hindi na kasi ako traditional. My parents were traditional and conservative.
“Pero sa boys lang. Sa girls parang okay lang sa kanila. I don’t think na gagawin ko sa anak ko ang ginawa sa akin ng parents ko,” paliwanag pa sa amin ni Sir Chief.
Kaugnay ng showing ng “MP7”, ikinakasa na ng fans ni Richard ang ilang block screenings para sa kanilang pelikula particulary ang Richennatiques. Tumulong din ang JoChard fans nila ni Jodi Sta. Maria sa pagsasagawa ng sarili nilang block screening.