Paolo masaya na malungkot ngayong darating na Pasko

paolo ballesteros

HINDI nalubos ang pagiging happy ni Paolo Ballesteros dahil hindi niya makakasama sa Pasko ang kanyang unica hija.

“Ngayon, she’s with her mom sa US. Kasi nagtatrabaho ang mommy niya. Siyempre gusto niya maalagaan ang anak niya. Busy sa trabaho. Kasi sayang din ang pag-uwi niya kasi babalik din siya sa January,” say ni Paolo sa amin bago siya tawagin sa presscon ng movie niyang “Die Beautiful” na isa sa official entries sa Metro Manila Film Festival 2016.

His reaction naman when he learned that “Die Beautiful” was pasok sa MMFF was “mixed emotions”.

“Of course, I’m very happy na pasok kami sa MMFF. Parehas lang naman ang effort na ibinigay ko sa movie ni Bossing (Vic Sotto’s Enteng Kabisote 10). Parehas lang naman ang effort na ibinigay ni Bossing and everyone. Siyempre parang nakakalungkot lang din,” say ni Paolo referring to the pang-iisnab ng MMFF sa movie ni Vic.

Sa kanyang make-up transformations na hit na hit sa buong mundo, this is what the actor has to say, “First and foremost, hindi ko naman ginagawa ‘yan para ma-feature sa ibang bansa. Ginawa ko ‘yan parang hobby lang, tinray ko lang para sa fans ko, para sa followers ko.”

Aminado si Paolo na banner year niya ang 2016. Nagwagi siya bilang best actor sa Tokyo International Film Festival for “Die Beautiful” tapos napili pa sa filmfest this year.

“Yes kasi nagkaroon ng recognition sa Tokyo tapos marami akong nagawang pelikula, tatlo. Masaya kasi na-appreciate ng audience sa ibang bansa,” he added.

Read more...