HINDI pa rin makapaniwala si Julia Barretto na nakapasok sa 2016 Metro Manila Film Festival ang pelikula nilang “Vince & Kath & James” under Star Cinema.
Mas lalo namang na-excite but at the same time ay na-pressure ang dalaga nang sabihin sa kanila sa presscon ng kanilang movie na isa sa magiging top-grosser sa taunang filmfest ang kanilang entry.
“At this point siguro, sobrang saya ko lang po talaga na nakapasok kami sa MMFF. Never in my wildest dreams, dream come true talaga.
“Ie-embrace na lang po namin. Nagpapasalamat kami pero siyempre, yun yung prayer namin,” ang pahayag ni Julia nang tanungin kung ano ang feeling na maging bahagi ng filmfest this year.
Sey naman ng direktor ng “Vince & Kath & James” na si Theodore Boborol, “We are flattered kasi siyempre, noong ginawa namin yung pelikula, hindi namin in-e-expect na makapasok kami sa MMFF.
“Pangalawa, yung pine-predict kaming top-grosser kami, ayaw naming ilagay sa isip namin kasi ang yabang naman noon. Sa ngayon, mas masaya lang kami na natanggap kami sa MMFF at gusto naming ibahagi yung kasiyahan namin sa mga manonood.
“I’m sure mas gusto nilang matawa this season. Gusto naming iparating yung entertainment na hinihingi nila this holiday season. But thank you sa mga nag-iisip na pwede kaming maging top-grosser,” anang direktor.
Dalawa ang magiging ka-loveteam ni Julia sa movie, ang mga baguhang sina Joshua Garcia at Ronnie Alonte, “Actually ito yung first project na makakasama ko sila sa isang proyekto.
“Sobrang saya ko, sobrang natuwa ako dahil naka-build ako ng relationship and bond with the two boys.
“Sobrang light nilang katrabaho, walang problema sa set. Siguro kasi importante talaga yung friendship, siguro it’s the best foundation talaga to build chemistry,” chika pa ni Julia.
Nang tanungin kung may kissing scenes ba ang dalaga sa pelikula, si Ronnie ang unang sumagot, “May mga nagnakaw ng halik sa shoot. Hindi, joke lang po! Abangan na lang po nila.”
Pero hirit ni Julia, “Meron po sa script pero tingnan po natin kung meron talaga ‘yan sa movie mismo. Pero totoo yun. may mga nagnakaw talaga ng halik. Hindi siya nagjo-joke!”
So, sino ang nagnakaw ng halik, si Joshua o si Ronnie? “Ay dapat nating panuorin para malaman natin. “Nasa ending siya. Kaya dapat hanggang ending, mag-stay sila sa cinema!”
q q q
Hango ang “Vince & Kath & James” sa patok na patok na online romantic series ma “Vince & Kath” kung saan ipinapakita ang istorya sa pamamagitan ng mga screenshots ng mga text messages sa pagitan ng mga pangunahing tauhan at ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ito naging viral.
Sa orihinal na online social-serye, umiikot ang kuwento sa ligawan nina Vince (Joshua) at Kath (Julia) na makikita sa palitan nila ng mga text message sa isa’t isa. Magsisimula ang istorya kay Vince bilang secret admirer na magpapakilala kay Kath.
Idinagdag ng Star Cinema sa kuwento ang karakter ni James (Ronnie) sa pelikula na siyang magbibigay ng refreshing and exciting twist sa movie version ng nasabing social serye.
Showing na ang “Vince & Kath & James” sa Dec. 25 ilang official entry ng Star Cinema sa MMFF 2016.