Natapilok, entitled ba sa ECC pay?

AKO po ay isang advertising manager ng isang malaking company rito sa Makati City na pag-aari ng sikat na negosyante rito sa buong Pilipinas.

Nag-resign po ako dahil sa stress na inabot ko sa kumpanya at sa Accounting Manager dahil sa di magandang management style nila. Pero di ko po nakumpleto ang buong taon dahil I tendered my irrevocable resignation effective immediately pero on that day while going home natapilok po ako.

Sakit ng naramdaman ko noon dahil inabotan po ako ng ulan kayat nabasa ang foot sprain ko.

Entitled po ba ako sa disability at 13th month pay sa ECC?
Edgar Evagelista
blk 2 Phase 1A
Dagat-dagatan,
Navotas city
REPLY: Para sa iyong katanungan Mr. Evangelista, dapat ay work related ang nature ng pagkakasakit ninyo para macover ng permanent or total disability.

Magkakaroon pa ng evaluation ang aming opisina tungkol sa kaso niny.

Sa 13th month pay naman po. Dumulog po kayo sa alinmang opisina ng DOLE at ISENA po diyan.

Diyan ang compromise settlement procedure upang pag-usapan ang problema sa pagitan ng mangagawa at employer upang magkita sa gitna at magkasundo at pumapagitna ang labor official sa ganyang usapin.

Subalit, kapag hindi nagkasundo ay maaring mag resulta ang usapin sa compulsory mediation sa NLRC. Kapag nakarating na rito sa NLRC ay ma-aacquire ninyo ang jurisdiction ng case.

Sana po ay nakatulong kami sa pagbigay ng payo at pumunta lamang po kayo at bukas po ang opisina namin para sa inyo.
Atty. Jonathan
VillaSotto
Deputy Director
Employees Compensation Commission (ECC)
DOLE
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream tv/channel/dziq.

Read more...