Basher kay Oyo: Wala kang ka-class-class makipag-away!

oyo sotto family
“WALANG ka-class-class!” Iyan ang banat ng isang netizen laban kay Oyo Sotto matapos nitong talakan ang basher ng kanyang asawang si Kristine Hermosa.

Tinawag kasing “maldita” at “ingrata” ng isang social media follower si Tintin na nag-ugat sa komento ng isang netizen tungkol sa mga kasambahay ng pamilya Sotto na nakasuot pa ng uniform nang manood sila ng sine kamakailan.

“Oo nga ang daming alalay di man lang pinagbihis talaga. Sa totoo yang @khsotto lahat ng taong makakita sa kanya maldita daw.”

“Kung anong kinabait ng asawa siyang kinasama ng ugali ni Kristine. Ingrata at maldita in person! Santa santita @khsotto!” ang magkasunod na komento ng nasabing basher.

Ang ganting mensahe naman ni Oyo, “Eh tanga ka pala eh! Plano naming itreat mga kasambahay namin. They’re doing (their) job so wala kang pakialam. Ang engot mong gunggong!”

Hirit pa nito, “Ngingiti ba sila kung hindi sila Masaya?? Uulitin ko lang ah, engot mo!! Ha? Engot! Gets mo? Gamitin utak!”

At dahil nga sa pagresbak ng asawa ni Tintin, tinawag siyang “walang ka-class class” ng Twitter user na si @netsdans dahil nga sa mga salitang ibinato niya sa basher tulad ng “tanga,” “gunggong” at “engot”.

Sey nito, “Itong c osotto nman kung mkapag comment sa basher parang tambay lng sa kanto wlang ka class class… parang ang gnawa nya pg binato ka ng bato bantuhin mo ng refrigerator. hahaha!”
Ito lang ang naging ganting sagot n Oyo, “Paki mo!”

Read more...