Magbabago pa ba ang iresponsableng mister

Sulat mula kay Jasmin ng Pinguay, Baras, Rizal
Dear Sir Greenfield,
Maliit na bata pa lang ako ay pangarap ko na pong yumaman, kaya naman nagsikap akong makatapos ng kolehiyo, nag-self-supporting ako at sa awa naman ng Diyos ay nakatapos ako, nakapag-trabaho hanggang sa ako ay nakapag-asawa. Ang problema nakapangasawa ako ng isang lalaking iresponsable, sugarol at walang regular na trabaho. Hanggang ngayon siya ang pasakit sa buhay, hindi ko naman mahiwalayan, kasi nga siya ang ama ng mga anak ko. Sa ngayon nagta-trabaho ko habang walang trabaho ang asawa ko. Minsan ay naguguluhan na ako hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko kung paano ko maitataguyod sa kolehiyo ang aming mga anak. Kaya naisipan kong sumangguni sa inyo ay upang itanong kung magbabago pa ba ang batugan kong asawa at may pag-asa pa kaya kaming makaahon sa kahirapan at yumaman? January 31, 1982 ang birthday ko at May 13, 1981 naman ang mister ko.
Umaasa,
Jasmin ng Rizal
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Malinaw ang Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay malinaw na tanda na kung hindi ikaw ang makapag-aabroa, siguradong ang makapag-aabroad ay ang iyong asawa o kaya’y isa sa mga anak mo, na siyang mag-aahon sa inyo sa kahirapan.
Cartomancy:
“Tibay ng damdamin at lakas ng loob ang kailangan” – ang siyang nasi sabihin ng Queen of Spades, Queen of Diamonds. Habang ang Jack of Diamonds ang nagsasabing daratibng ang saktong panahong magbabago pa ang iyong mister, kapag nakita niyang nagsisikap ka talaga para sa inyong pamilya, mauuntog din ang ulo niya sa pader hanggang sa sipagin na siyang maghanap ng trabaho, hanggang sa tuluyan na uli siyang makapag-work sa susunod na taong 2017.
Itutuloy…

Read more...