Dapat umanong kumalas na ang mga miyembro ng Liberal Party sa supermajority coalition at suportahan ang kanilang lider na si Vice President Leni Robredo.
Kasabay nito, sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi siya natatakot kung aalis ang mga miyembro ng LP sa koalisyon.
Ayon kay Caloocan Rep. Edgar Erice, stalwart ng LP, dapat umanong magdesisyon ang mga miyembro ng LP kung mananatili sila sa partido o aalis para maipagpatuloy ang pagsuporta kay Duterte.
“It’s very awkward that LP members in House are in supermajority while our leader is the opposition leader. It’s time to take stand,” ani Erice sa press conference kahapon. “Personally, LP members have no choice but to choose whether to join our leader in opposition or split from LP.”
Mayroong 34 na miyembro ng LP sa Kamara at lima lamang sa mga ito ang nasa minorya.
Inamin naman ni Ifugao Rep. Teddy Brawner Baguilat na mayroong mga maisasakripisyo ang mga miyembro ng LP na nasa mayorya kung aalis sila sa koalisyon. Kabilang dito ang mga committee chairmanship.
Samantala, sinabi naman ni Alvarez na kung aalis ang mga miyembro ng LP ay hindi ito problema sa kanya.
“I’m comfortable with our numbers. I welcome any move kung halimbawa sabihin nilang alis na kami dyan sa coalition, mag-oposisyon na lang kami..wala tayong problema dun,” ani Alvarez.
Si Robredo ang miyembro ng LP na may pinakamataas na posisyon sa kasalukuyan.
LP pinakakalas na sa Duterte camp, para masuportahan si Robredo
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...