Kris sa pagre-resign ni Leni: It’s a time for courage, hindi ito oras para matakot!

 

SA GITNA ng bagong kontrobersyang kinasasangkutan ni Vice-President Leni Robredo, nananatili pa rin ang 100 percent support sa kanya ni Kris Aquino.

Sa kanyang Instagram post, ipinagdiinan ng Queen of All Media na buung-buo pa rin ang tiwala at respeto niya sa bise presidente na sinuportahan din niya last elections.

Ipinost ni Kris ang litrato nila ni VP Leni sa IG na may nakasulat na quote na bahagi ng pahayag ng bise-presidente tungkol sa kanyang pagre-resign sa gabinete ni Rodrigo Duterte.

Nilagyan naman ito ni Kris ng caption na: “This is not a time for fear; this is a time for conviction. It’s a time for COURAGE!”

“I’ve purposely kept quiet about political issues BUT for her I will always be ready to make a stand,” ang pahayag pa ni Kris.

In fairness, ngayon na lang uli umeksena sa politika si Kris mula nang bumaba sa puwesto ang kuya niyang si dating Pangulong Noynoy Aquino. Sey ni Kris, hangga’t maaari ay ayaw na ng TV host na makialam sa politics.

Read more...