Sinampahan ng kasong graft ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan si dating Justice Sec. Agnes Devanadera kaugnay ng maanomalya umanong settlement agreement na pinasok nito kahit lugi ang gobyerno.
Ayon sa inihaing reklamo, nagsilbi umano si Devanadera bilang Government Corporate Counsel ng Philippine National Construction Corporation, isang government owned and controlled corporation.
Sumulat umano si Devanadera sa PNCC noong Enero 26, 2006 at Pebrero 10, 2006 at inirekomenda na pumasok ito sa amicable settlement sa Radstock Securities Limited.
Nagdemanda ang Radstock upang makolekta ang utang umano ng PNCC.
Ang Radstock ang bumili sa Marubeni Corp. kung saan umutang ang PNCC noong 70s.
Sa compromise agreement noong Agosto 17, 2006, kinilala ng PNCC na may utang itong P6.185 bilyon sa Radstock. Ang ibabayad ay 19 na ari-arian at shares nito.
Kasama rin sa ibabayad ang bahagi ng koleksyon ng PNCC sa Manila North Tollways Corp. sa loob ng 27 taon na aabot umano sa P1.2 bilyon.
Ayon sa Ombudsman wala umanong kapangyarihan ang board ng PNCC na pumasok sa compromise settlement at hindi umano maaaring ibigay ng PNCC ang makokolektang toll fee sa pribadong kompanya.
Hindi rin umano maaaring ilipat ng PNCC ang mga ari-arian nito sa isang pribadong kompanya ng hindi dumaraan sa public bidding at ng hindi sumusunod sa panuntunan ng gobyerno.
Inirekomenda ng Ombudsman ang P30,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Devanadera.

MOST READ
LATEST STORIES