Yeng nag-birthday sa ospital; humiling ng dasal

yeng constantino

SA OSPITAL pala nagdiwang ng kanyang kaarawan ang singer-composer na si Yeng Constantino.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Yeng ng isang litrato na kuha sa ospital kung saan makikita ang kanyang kamay na may nakakabit na suwero.

Isinugod sa ospital ang Kapamilya singer matapos ang airing ng Pinoy Boyband Superstar nitong weekend kung saan isa nga siya sa mga judges.

“After PBS ito nasa hospital now. Pray for me po. Still happy because it is still my birthday! Pahinga din ako,” ang isinulat na caption ni Yeng sa nasabing IG photo.

Bago ito, nakapag-perform pa ang award-winning singer-composer sa ASAP last Sunday kung saan nag-celebrate rin siya ng kanyang 28th birthday.

Read more...