INILAGAY sa kustodiya ng Senado ang dating boyfriend ni Sen. Leila de Lima na si Ronnie Dayan matapos siyang i-cite in contempt dahil umano sa pagsisinungaling.
Sinabi ni Sen. Panfilo Lacson, chairman ng Senate committee on public order and dangerous drugs na inaprubahan ng komite ang mosyon ni Sen. Manny Pacquiao laban kay Dayan.
Ngunit ayon kay Lacson, makikipagpulong muna ang kanyang komite sa mga miyembro ng committee on justice na pinamumunuan ni Sen. Richard Gordon para magdesisyon kaugnay ng amended motion na ikulong si New Bilibid Prison (NBP).
“Regarding the status of Ronnie Dayan, in the meantime that he is being held, that he is being cited in contempt, or has been cited in contempt of this committee, you will stay muna dito sa Senate premises and we will resolve it,” sabi ni Lacson.
Si Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III ang magmosyon na ikulong si Dayan sa NBP.