Walang inalok na posisyon sa Gabinete si Pangulong Duterte kay dating Pangulong Gloria Arroyo, ngayon ay kongresista ng Pampanga.
Sa press briefing kahapon, inamin ni Arroyo na nagpulong sila ni Duterte noong nakaraang linggo.
“There was no offer of a Cabinet post to me,” ani Arroyo.
Tumanggi naman si Arroyo na isapubliko kung ano ang kanilang pinag usapan ng pangulo.
“I leave it up to Malacañang to disclose whatever it is we discussed in the meeting.”
May ipinakita umano si Duterte na listahan ng narco-politician pero hindi na niya sinabi sa media ang mga pangalan.
MOST READ
LATEST STORIES