De Lima umiwas na makaharap si Dayan sa pagdinig ng Senado

HUMARAP lamang si Sen. Leila de Lima sa pagdinig ng Senado kahapon matapos na makapagbigay na ng testimonya ang kanyang dating boyfriend na si Ronnie Dayan kaugnay ng alegasyon na tumanggap ang mambabatas ng pera mula sa drug lord na si Kerwin Espinosa.
Pumasok si de Lima sa session hall makalipas ang mahigit tatlong oras matapos magsimula ang pagdinig ng Senate committee on public order and dangerous na pinangungunahan ni Sen. Panfilo Lacson. Nagsimula ang sesyon ganap na alas-9 ng umaga.
Sa kanyang pagharap sa Senado, iginiit ni Dayan na nangolekta siya ng pera kay Espinosa para kay de Lima. Itinanggi naman ito ng senador.
Kapwa inamin nina de Lima at Dayan ang kanilang nakaraang relasyon.

Read more...