Maligaya sa tomboy

Sulat mula kay Chat ng Poblacion, Hagonoy, Davao del Sur
Dear Sir Greenfield,
May karelasyon po akong babae sa ngayon pero tomboy siya kaya tutol ang mga magulang ko sa kanya, pero nagmamahalan naman po kaming dalawa, actually magto-two years na po ang aming relasyon at maligaya naman ako sa piling nya. Ang itatanong ko po ay kung kami na po ba talaga ang magsasama habang buhay kahit na tutol ang mga magulang ko sa kanya? At kung ako lang kaya talaga ang kaisa-isang babae sa buhay nya, kasi minsan nahuli ko siyang may ka-text mate at sabi nya sa akin kaibigan nya lang daw iyon. Totoo kaya kaibigan nya lang ang ka-text mate nya at hindi kaya dumating ang araw na ipagpalit nya rin ako sa iba? October 30, 1991 ang birthday ko at November 18, 1992 naman ang karelasyon ko.
Umaasa,
Chat ng Davao del Sur
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Ang nagdobleng Venus Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad ang nagsasabing tunay ngang mahuhulog ka sa isang immoral o hindi normal na relas-yon, subalit dahil iisa naman ang namataang Marriage Line (arrow 2.) sa iyong palad. Posible ngang ang kasalukuyan mo ng ka-relasyon na isang tomboy ang iyong makakasama habang buhay.
Cartomancy:
Queen of Hearts, Queen of Clubs, at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing compatible kayo ng kasalukuyan mong ka-relasyon, kahit sabihin pang pareho kayong babae, habang ang Nine of Hearts ay nagsasabing kahit na may ka-text mate siyang iba, tunay ngang mahal na mahal ka nya at hindi ka nya ipagpapalit sa ibang babae.
Itutuloy…

Read more...