Luis pumapayag magpauto kay Jessy kaya nadamay sa kanegahan

 

Bakit mukhang hate na hate ng netizens si Jessy Mendiola at nadadamay pa si Luis Manzano sa kanilang hatred.

When Luis posted a photo sa kanyang Instagram account na kuha sa kanilang trip sa Thailand kung saan hawak niya ang kamay ng aktres ay ang daming violent reactions sa isang Facebook fan page.

“Happy happy birthday Chopie, i’m up for any adventure with you… either a high or a low as long as i’ve got your hand by mine. Happy birthday,” bati ni Luis kay Jessy sa IG photo. Birthday kasi ni Jessy last Dec. 3.

Pero ang hanash ng netizens, talagang nakakaloka.

“Lahat na lng post pati kmay nila! dapat iprivate na lng nilang dalawa mas gsto pa nila ipublic lahat lahat pag nilait nagagalit c patola luisa c jessy gsto niya iyan kc khit palagi sya nilalait tuwang tuwa yan kc pinag usapan sya khit negang nega na sya. kapal din ng mukha,” say ng isang basher.

“Tama, parang mga walang isip tanda na nila. maraming naiinis natural papansinin sila kasi nga post ng post pangit naman nilang tignan nakakaumay, nakakasawa tapos galit sila pg may ng cocoment. Iprivate nila para tahimik, di bale kung c KathNiel o LizQuen o JaDine ang gandang tignan sa mata.

“Kaya sana sa showbis chismis huwag nalang c luis at jessy pangit nilang tignan walang dating pareho silang macho at c jessy lapad. sanay na kami sa kanya lagi naman naming nakikita at balita sa mga lalaking kapamilya actor na gusto niya at sa kanya mismo nanggaling.

“Kaso saglit lang nalapit sa kanya c matteo, jc at sam milby nawala na tinanggi na siya c jm de guzman lang umamin, kaya nakakainis at maraming naiinis kasi c luis matinong tao ngayon nauuto ni jessy lapad. kaya tuwa c jessy lapad nauto niya c luis,” say ng isa pang guy.

“Sa AKING opinion Lang Ito. Hindi k Sana nadamay Sa pag bash Ng mga Tao Luis kung ang ipinalit mo Kay Ms Angel ay may breeding. Pwede cguro pakituruan Ng mabuting ‘asal’ Yan c Jessy PATA mo para di ugaling kalye. Hindi n nahiya Sa pamilya Ni Luis.

“Kung ako c Angel ANG SAYA SAYA KO!!! HAHAAAAA yun bang walang galit n Tao at MAs minahal pa nating lahat ang isang ANGEL LOCSIN na sobrang humble at sobrang bait. Kya para Kay Luis at Pata AKALA NYO LANG HAPI KAYO PERO BUO PALIGID NYO WAGAS ANG PAGKASUYA SA INYO KAYA TINGNAN LANG NATIN. #MASARAP BA JESSY???!” pananaray ng isa pang basher.

 

Read more...