NAG-TRENDING sa social media ang litrato ni Liza Soberano na kuha sa pictorial ng bago niyang endorsement. Ipinost ito ng dalaga sa kanyang Instagram account na mabilis ngang kumalat sa internet.
Makikita sa litrato si Liza na nakasuot ng black leather jacket habang nakalabas ang balikat. Karamihan sa mga nagkomento sa nasabing larawan ay iisa ang sinasabi – si Liza na raw talaga ang bagong dyosa at ultimate crush ng bayan.
“She’s really beautiful inside and out. Habang nagma-mature siya ay mas lalo siyang gumaganda. She can also be super sexy even with her clothes on. I’m sure proud na proud si Enrique Gil sa kanyang partner!” sabi ng isang netizen.
Nabatid na ilang oras pa lang ang lumipas matapos itong maipost sa IG ay nakakuha na agad ito ng 200,000 “likes” at mahigit 2,000 comments kaya agad itong naging top trending topic sa Twitter.
Sabi nga ng isang follower ni Liza, hindi na kailangang maghubad o mag-2-piece bikini ang dalaga para matawag na seksi dahil mukha pa lang nito ay matindi na ang sex appeal.
Noong nakaraang taon, napabilang si Liza sa British movie critic’s list of “The 100 Most Beautiful Faces of 2015.” Pang-anim sa listahan ang rumored girlfriend ni Enrique Gil.