Kenkoy at iresponsable si Bato

MAY dahilan ang mga aktibistang human rights na manginig sa takot sa banta ni Pangulong Digong na papatayin sila dahil hinaharang nila ang kanyang kampanya laban sa droga.

Kung totoo ang banta.
Sa ngayon, dapat alam na ng mamamayan kung seryoso si Presidente o nagbibiro lang.

Ang banta, kung matatawag man na banta yun, ay isa sa eksahe-radong pananalita ni Mano Digong upang ipagdiinan na gusto niyang pilipitin ang leeg ng mga taong humahadlang sa kanyang war on drugs.

Sa kasagsagan ng paglilinis ng mga masasamang elemento sa Davao City, walang sinaktang peaceful and law-abiding citizen si Mayor Digong.

Hindi kailanman nagbanta si Digong sa mga Davao City journalists na bumabanat sa kanyang programa bilang mayor.

Ang hirap kay Presidente ay hindi siya ngumingiti o tumatawa kapag siya’y nagbibiro kaya’t napagkakamalan na siya’y seryoso.

Mahilig din si Mano Digong ng practical jokes.

Natatandaan ko pa nang dinala niya ang inyong lingkod at ang kaibigan kong Kano na si Matt Grecsec, na nakilala niya for the first time, sa isang restoran na ang specialty ay karne ng kambing.

Inalok niya si Matt ng papaitan, isang sabaw na gawa sa laman-loob ng kambing. Tinitigan ni Digong ang Amerikano habang inaalok niya ito.

Sa isang Amerikano at maging sa mga Pinoy na hindi kumakain ng kambing, ang papaitan ay mabaho.

Tiningnan ako ni Matt at nagtatanong ang kanyang mga mata kung tatanggapin niya ang alok ng alkalde ng Davao City.

Pero tiningnan din ako ni Digong at nangungusap ang kanyang mga mata na sabihin ko kay Matt na huwag siyang tanggihan.

Sinabi ko na lang kay Matt na masamang asal ang tanggihan ang alok na pagkain.

Matapos higupin ang papaitan, napatakbo si Matt sa restroom at nagsuka.

Nagkatinginan kami ni Digong at tumatawa ang kanyang mga mata.

Noong siya’y mayor, mahilig si Digong na imbitahin ang kanyang mga bagong kaibigan o bisita sa isang maliit na tindahan sa Magsaysay Park sa lungsod na nagtitinda ng durian.

Pinakakain niya ng durian ang kanyang mga bisita.

Sa mga hindi taga Mindanao, ang durian ay amoy dumi ng tao.

Ang laki at lawak ng problema sa droga ay makikita sa malalaking tao na sangkot sa illicit drug trade.

Isang halimbawa ay pagkakasangkot nina Catanduanes Gov. Joseph Cua at Mayor Samuel Laynes ng bayan ng Virac.

Sina Cua at Laynes ang nagmamay-ari ng isang malaking bodega sa isang liblib na pook ng Virac na gumagawa ng shabu.

Ang bodega ay ni-raid ng mga pulis earlier this week.

Until recently, sina Cua, Laynes at NBI Senior Agent Eric Isidoro ay sinasabing bumuo ng sindikato na nagpapakalat ng shabu sa Bicol region at mga karatig lalawigan.

Si Kerwin Espinosa, confessed drug lord ng Eastern Visayas, ay sisiw kumpara sa samahan nina Cua, Laynes at Isidoro.

Si Espinosa ay isang distributor na nagbebenta ng shabu sa mas malala-king drug lords samantalang ang sindikato nina Cua, Laynes at Isidoro ay gumagawa mismo ng shabu.

Dapat ay mailigpit ang tatlong ito ng mga vigilantes o mga pulis.

Gaya ni Mayor Rolando Espinosa, na maliwanag na sinalvage ng mga pulis, walang karapatan silang manatili sa mundo.

Malaking perwisyo ang idinulot nina Cua, Laynes at Isidoro sa ating lipunan.

Daan-daang libo, at maaaring milyon pa, ang mga buhay na nasira dahil sa kanila.

Nagkamali yata si Pangulong Digong sa pagpili kay Ronald “Bato” dela Rosa bilang chief ng Philippine National Police (PNP).

Bukod sa kenkoy sa publiko, na di bagay sa isang police chief, hindi rin siya marunong umako ng responsibilidad.

Tinuro ni Bato si Secretary Bong Go ng Presidential Management Staff at close-in aide ng Pangulo, na siyang nakiusap sa kanya na ibalik si Supt. Marvin Marcos sa puwesto.

Si Marcos ay chief ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na inalis ni Bato sa puwesto dahil sa kapalpakan.

Nang makabalik siya sa CIDG-Eastern Visayas, nasangkot naman si Marcos sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa sa loob ng kulungan.

Pinaratangan din si Marcos ni Kerwin Espinosa, anak ng pinatay na mayor, na tumatanggap ng pera sa kanya.

Si Kerwin ay confessed drug lord.

Nang tanungin siya ng reporters kung sino ang nagpa-reinstate kay Marcos, ayaw munang sabihin ni Bato pero itinuro din niya si Bong Go.

Pinabulaanan ni Go ang sinabi ni Bato.

Pagpalagay na natin na si Bong Go nga ang nagpa-reinstate kay Marcos, por Dios por santo bakit itinuro pa niya ang Malacanang official?

Inaako ng isang magaling na lider ang palpak na desisyon kahit na ito’y isinubo lang ng mga nakakataas sa kanya.

Read more...