Ping nagsampa na ng reklamo laban kay Baron sa PAMI

PING MEDINA AT BARON GEISLER

PING MEDINA AT BARON GEISLER

BALITANG nagsampa na ng reklamo si Ping Medina sa Professionals Artists Manager, Inc. (PAMI) laban kay Baron Geisler matapos ang naganap na “pissing incident” sa shooting ng kanilang indie film kamakailan.

Nais ni Ping na maturuan ng leksiyon si Baron para hindi na maulit ang insidenteng naganap sa pagitan nila sa shooting ng “Bubog” directed by Arlyn dela Cruz kung saan inihian nga siya ni Baron.

Ito’y sa kabila nga ng pagso-sorry ni Baron kay Ping na idinaan lang niya sa Facebook. Wala pang official statement ang organisasyon ng mga talent manager hinggil sa reklamo ni Ping laban kay Baron Geisler.

Read more...