‘EK10’ nina Vic at Oyo may ‘K’ maging filmfest entry

VIC SOTTO

VIC SOTTO

GRADED B pala ang “Enteng Kabisote 10 & The Abangers”. Pero walang announcement sa grade nito.
Base sa ilang nakapanood ng movie, may “K” raw itong pumasok sa festival kumpara sa movie nina Vice Ganda at Coco Martin. Pulido raw ang special effects nito at maganda ang takbo ng kuwento na bagay pampamilya.

Lutang din ang galing ni Oyo Sotto na may malaking role sa movie ni Bossing.

So more than the Vice-Coco movie, higit na pampamilya at pang-filmfest ang “Enteng 10”. ‘Yun nga lang, wala nang magagawa ang lahat dahil nilaglag na nga ito ng MMFF Selection Committee na gustong magyabang na ang 2016 ang “renaissance” ng MMFF, huh!

May balita nga lang na waley na araw Parade of Stars na gaganapin sa December 23. Ang mangyayari raw ay magkakaroon ng fans day ngayong hapon sa SM Skydome kung saan present ang mga stars ng bawat entry.

Tanong ng isang mahadera sa showbiz: May fans bang darating sa Sky Dome?

Read more...