HALOS kabababalik lamang ng normal na suplay ng kuryente sa mga lugar sa Norte na sinalanta ng bagyong Lawin, maghapon na naman ang mararanasang power interruption bukas sa ilang lalawigan sa Cagayan Valley Region.
Apektado ng interruption ang buong franchise area ng KAELCO, CAGELCO I at 2 at ang Cabagan station ng ISELCO II.
Mula alas-8 ng umaga hanggang alas- 5 ng hapon ay makararanas ng power interruption ang bahagi ng Apayao, Kalinga, ang Northern Isabela at ang buong lalawigan ng Cagayan.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ang power interruptipn ay bunsod ng pagsasaayos ng line hardware sa Gamu-Tuguegarao 330 kilovolts transmission line.
Tiniyak naman ng NGCP na sa sandaling mapabilis ang pagsasaayos ng linya ay agad nilang ibabalik ang suplay ng kuryente.