Naghahanap ng boyfriend ngayong Pasko (2)

Sulat mula kay Eliene ng Lingsat, San Fernando, La Union

Dear Sir Greenfield,
1. Malapit na pong mag-Pasko at sa edad ko pong 29 years old ay hindi pa rin ako nagkaka-boyfriend. Kaya nga medyo nalulungkot po ako kasi ang mga kaibigan ko, yung iba ay nakapag-asawa na at may mga anak na samantalang ako ni boyfriend ay wala. At sa totoo lang po tatlo na lang kaming dalawa sa magkakabarkda.
2. Yung dalawa ay nasa abroad pa. Kaya nais ko po sanang malaman ay kung kailan kaya darating sa aking buhay na magkaka-boyfriend ako at kung aabot pa kaya ito sa darating na Pasko? October 24, 1987 ang birthday ko.
Umaasa,
Eliene ng La Union
Solusyon/Analysis:

Astrology:
Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2.) ang nagsasabing isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Cancer ang magiing boyfriend mo hanggang sa tuluyang mapangasawa.
Numeroloy:
Ang birth date mong 24 ay nagsasabing ang lalaking nabanggit na magiging BF mo ay isinilang sa petsang 3, 12, 21 o kaya’y 30. Sa unang pagtatagpo n’yo pa lang sa huling yugtong ito ng 2016 ay magkaka-crush ka agad sa kanya at ganoon din siya sa iyo hanggang sa tuloy-tuloy ka na niyang ligawan. Hindi mo naman siya pahihirapan, sasagutin mo agad siya kaya agad na mabubuo ang isang mainit at romantikong relasyon ngayon ding taon ito bago sumapit ang pasko.
Luscher Color Test:
Dilaw ang kulay ng damit na suot mo sa unang araw ng inyong pagtatagpo habang siya naman ay naka-berde o kaya’y puti. Kapag nakakita ka ng lalaking naka-berde o nakaputi habang suot mo ang kulay yellow mong damit sa buwang ito ng December, iyon ang pahimakas o tanda na magkaka-boyfriend ka na at ang lalaking iyon ang magiging boyfriend mo.

Huling payo at paalala:
Eliene, ayon sa iyong kapalaran, sa edad mong 29 may magaganap na pakikipag-boyfriend sa iyo. Ang magiging boyfriend mo ay isang lalaking nagtataglay ng initial na R.A. Pagkatapos sa susunod na taong 2017, sa buwan ng Disyembre sa ganitong panahon ding magpapasko—isang masayang kasalan ang magaganap na hahantong sa isang masaya at panghabambuhay na ring pamilya.

Read more...