Erich laging ‘tambay’ sa bahay ni Daniel

ERICH GONZALES AT DANIEL MATSUNAGA

ERICH GONZALES AT DANIEL MATSUNAGA

TRULILI kaya na madalas mag-sleep over si Erich Gonzales sa bahay ng boyfriend niyang si Daniel Matsunaga?

Nabanggit kasi sa amin ng ilang source na madalas may makita kay Erich sa bahay nina Daniel at kung minsan daw ay inaabot doon ng ilang araw ang aktres.

Sabagay, hindi na naman itinatago ng magkasintahan na sobrang close nila sa isa’t isa pati mga pamilya nila ay magkakasundo rin kaya wala kaming nakikitang masama kung mag-sleep over si Erich kina Daniel.

Sabi pa nga ay kasal na lang daw ang kulang sa dalawa dahil mag-asawa na ang turingan nila sa isa’t isa.

Ang sabi ni Daniel sa nakaraang finale presscon ng Be My Lady, kailangan pa niyang magpagawa ng bahay bago niya yayaing pakasal ang nobya bukod pa sa kailangan nilang mag-work muna para makapag-ipon.

At kung hindi kami nagkakamali ay patungong New York sina Erich at Daniel para makapagbakasyon kasama ang kanilang mga pamilya.

Read more...