‘Ika-6 Na Utos’ ni Sunshine para sa mga legal wife na aping-api

SUNSHINE DIZON, GABBY CONCEPCION AT RYZA CENON

SUNSHINE DIZON, GABBY CONCEPCION AT RYZA CENON

TILA hinango sa buhay ni Sunshine Dizon ang tema at kuwento ng pinakabagong afternoon serye ng GMA 7 na Ika-6 Na Utos.

Tungkol sa isang misis na kinaliwa ng kanyang asawa ang pinakasentrong tema ng nasabing teleserye, at alam naman ng buong mundo ang rason kung bakit nawasak ang relasyon nina Sunshine at Timothy Tan.

Sa nakaraang presscon ng Ika-6 Na Utos, natanong ang Kapauso actress kung ano ang naging reaksiyon niya nang ialok sa kanya ang nasabing proyekto.

“Siyempre, tao lang, nakakaiyak, masakit, may kurot. Pero sabi ko nga, hindi lang naman siguro ako ang nag-iisang tao sa mundo na may pinagdaanan na medyo naging similar ang istorya sa kung anuman ang dapat nilang gampanan. So I just really welcome challenge.”

Kinausap ba niya ang creative team ng serye kung ibinase ba sa pinagdaanan niya ang kuwento nito? “Hindi ko naman tinanong ‘yan, pero nananalig na lang siguro sila na kaya ko. Ha-hahaha!”

Si Gabby Concepcion ang gaganap na asawa ni Sunshine sa Ika-6 Na Utos at si Ryza Cenon naman ang magiging kabit sa kuwento. Sa trailer pa lang ay mukhang magiging madugo ang confrontation scenes nina Ryza at Sunshine.

“Actually, mabait si Emma (karakter niya sa serye), pero hindi ko pa alam kung hanggang saan aabutin ang bait niya. Siyempre, ide-develop pa ang character,” kuwento ni Shine na ang seksi-seksi na ngayon.

Isa pang naitanong sa aktres ay kung feeling ba niya, makakatulong ang pagbibida niya sa Ika-6 Na Utos sa pagmu-move on? “You know, to be honest, the pain will always be there but it’s just a matter of me choosing to move forward. Kasi, I don’t want to get stuck. I won’t allow myself to get stuck and just dwell on that kind of pain. I choose to move on.

“With regards naman dito sa istorya ni Emma, yes, I won’t deny the fact that there’s similarities. But what’s nice with Ika-6 na Utos, it’s a story of most women out there who are suffering silently.

“We hope we will be able to help them, somehow realize na marami pa silang puwedeng gawin, marami pang option sa buhay.

“Marami rin babae na makaka-relate rito, not only because may pinagdadaanan sila but because, kuwento ito ng babae. Kuwento ito ng maraming babae, ng isang babae, anak, ina, asawa, isang kaibigan.

“I feel blessed and happy na through the years, hindi naman talaga tumigil ang GMA na kumbaga, full body, palaging unforgettable ang character. Na talagang naalagaan naman po ako sa aspeto na yun and I’m very happy and grateful for that,” ani Sunshine.

Read more...