Pacquiao gagawing poster boy sa turismo

manny pacquiao

Inaprubahan ng House committee on tourism ang panukala na gawing poster boy ng turismo ang pambansang kamao at Sen. Manny Pacquiao.
Sa pagdinig ng komite, ipinanukala ni 1PACMAN Rep. Enrico Pineda ang paggamit sa popularidad ni Pacquiao upang mas maraming turista ang mahikayat na bumisita sa bansa.
“Sen. Pacquiao’s international stature is a big boost to the tourism industry of the country. His endorsement would create a lot of impact, especially in the social media,” ani  Pineda.
Wala naman umanong matatanggap na bayad si Pacquiao sa gagawin niyang ito.
Inaprubahan naman ng chairman ng komite na si Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez ang panukala.
Tinatalakay sa komite kung ano ang plano at programa ng Department of Tourism at mga attached agency nito upang mapataas ang bilang ng mga turistang bumibisita sa bansa.

Read more...