Naglabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan Sixth Division laban kay dating Metro Rail Transit Line 3 general manager Al Vitangcol kaugnay ng tangka umanong nitong pangongotong sa isang Czech company.
Kasama sa inilabas na warrant si Wilson Tigno de Vera na siya umanong ipinadala ni Vitangcol upang makipag-usap.
Sila ay nahaharap sa dalawang kaso ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Maaari namang maglagak ng P30,000 piyansa bawat kaso ang dalawa para sa kanilang pansamantalang kalayaan.
Ayon sa reklamong inihain ng Office of the Ombudsman, humingi umano ng $30 milyon ang mga akusado sa Inekon Group kapalit ng pagbibigay ng kontrata sa pagsusuplay ng bagon ng tren noong 2012.
Bukod dito, pinilit din umano ng dalawa na pumasok sa joint venture ang Inekon sa Philippine Trans Rail Management and Services Corp., kung saan incorporator si de Vera.
Nangyari umano ang tangkang pangongotong sa tinutuluyan ng ambassador ng Czech na si Josef Rychtar sa Forbes Park, Makati.
Ibinaba umano ang hinihingi sa $2.5 milyon pero hindi pa rin nagbigay ang Inekon.

MOST READ
LATEST STORIES