Naghahanap ng boyfriend ngayong Pasko

Sulat mula kay Eliene ng Lingsat, San Fernando, La Union

Dear Sir Greenfield,

Malapit na pong mag-pasko at sa edad ko pong 29 years old sa ngayon ay hindi pa rin ako nagkaka-boyfriend, kaya medyo nalulungkot po ako kasi yong mga kaibigan ko, yon iba ay nakapag-asawa na at may mga anak na samantalang ako ni boyfriend ay wala. At sa totoo lang po tatlo na lang kaming dalawa sa magkakabarkda. Yong dalawa ay nasa abroad pa. Kaya nais kop o sanang malaman ay kung kailan kaya darating sa aking buhay na magkaka-boyfriend ako at kung aabot pa kaya ito sa darating na pasko? October 24, 1987 ang birthday ko.

Umaasa,
Eliene ng La Union

Solusyon/Analysis:

Palmistry:
Iisa lang ang manilaw na at mahabang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin sa sandaling nagka-boyfriend ka sa edad mong 29 sa kasalukuyan, sigurado na ang magaganap – siya ang iyong makakatuluyan, mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.

Cartomancy:
Ace of Hearts, Two of Hearts at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa darating na buwan ng Disyembre, mabilis ang magaganap, dahan-dahang mautupad ang pangarap mo na magka-boyfriend, lulutang ang isang lalaking nagtataglay ng zodiac sign na Cancer.

Itutuloy…

Read more...