PAGKALUTUNG-LUTONG na sampal ang pinatikim ni Sunshine Dizon kay Ryza Cenon sa TV plug ng GMA afternoon drama na Ika-6 na Utos. Kabit kasi ni Gabby Concepcion, asawa ni Shine sa series, si Ryza kaya sukdulan ang galit sa kanya ng una.
Eh, may pinagdaraanan sa totoong married life si Sunshine pero iwas siyang magsalita dahil may on-going case sa korte na isinampa ng Kapuso actress pati na sa umano’y other woman nito.
Ayon kay Ryza, pinaghandaan na niya ang gagawing sampal at sabunot sa kanya ni Sunshine.
“Pinaghandaan ko po ‘yon. Kasi nang malaman kong si Ate Shine, ‘Diyos ko po!” Ha! Ha! Ha! Feeling ko, hindi ko pa nasasabi ang line ko, sasampalin na niya ako agad,” saad ni Ryza.
Sa plug, gumanti rin ng sampal si Ryza kay Shine. Namaga ba ang face niya? “Medys (medyo) ! Ha! Ha! Ha!” tugon niya.
“May daya nga eh! Hindi, Tito Jun. Ganoon kami kagaling. Hindi ninyo na nahalata na may daya ‘yon. Nakita ninyo, medyo sinapak ko, di ba? Ganoon dapat pag aktingan,” sabad ni Shine.
Paano kung walang daya? Ano na ang mangyayari kay Ryza? “Ospital po! Ha! Ha! Ha!” tugon ni Ryza.
Pero sa trailer, ang galing mang-akit ni Ryza kay Gabby, huh! Magaling ba siyang mang-akit ng lalaki sa totoong buhay?
“Hindi po! Baligtad po ako sa totoong buhay!” rason ng Kapuso actress.
Sa Dec. 5 na ang airing ng Ika-6 na Utos after ng Eat Bulaga.