Ex-showbiz couple, dating matinee idol nagtatago pag Pasko, ayaw magregalo

blind item male female

ILANG tulog at gising na lang at Pasko na. Natural, sa ganitong mga pagkakataon, naaalala ng mga taga-showbiz kung sinu-sino ang mga personalidad na marunong makaalala at ang mga artistang walang pakialam.

Hindi naman kasi ‘yun sa kung gaano kamahal ang regalo, ang makaalala lang ay sobra pa sa sapat, markado ang mga personalidad na kapag dumarating ang Kapaskuhan ay may kani-kanyang paraan para hindi makaltasan ang kanilang bulsa sa pagreregalo.

Hindi na kailangan pang ulitin ang mga kuwento tungkol sa isang dating mag-asawang singer na kapag ramdam na ang simoy ng hanging-Pasko ay bigla nang nawawalang parang bula.

Kuwento ng aming source, “Umaalis sila before Christmas, bumabalik sila nang after New Year na. Deadma lang sila sa Pasko, parang ordinaryong araw lang na pinalilipas nila ang Christmas season.

“Very consistent sila, walang kakabog sa dating mag-asawang ‘yun, pero ang nakakaloka, e, ito. Kahit nagkahiwalay na sila, wala pa ring pagbabago ang sitwasyon.

“Hindi pa rin sila nakakaalala, deadma pa rin silang dalawa, kaya ang conclusion, e, talagang ‘yun na sila!” humahalakhak na kuwento ng impormante.

E, kumusta naman ang isang dating heartthrob na pagdating sa pagiging “malilimutin” kapag dumarating ang Pasko ay walang kakupas-kupas? Mula nu’n hanggang ngayon ay sarado pa rin ang zipper ng kanyang wallet at bulsa.

“Ay, hindi na magbabago ang pananaw niya, talagang ‘yun na siya, peksman, Superman! Wala rin siyang pakialam, deadma lang siya sa kahit anong okasyon!

“Araw-gabi na siyang kuring, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kaya may bago pa ba tungkol sa male personality na itey?” natatawang pagtatapos ng aming humahalakhak na source.

Read more...