Inah, Jake, Jeric may huling hirit sa ending ng Oh My Mama

JAKE VARGAS, INAH DE BELEN AT JERIC GONZLES

JAKE VARGAS, INAH DE BELEN AT JERIC GONZLES

NGAYONG Biyernes na masasaksihan ang pasabog na finale episode ng GMA’s Afternoon Prime series na Oh, My Mama na pinagbibidahan nina Inah de Belen, Jake Vargas at Jeric Gonzales.

Kapuso viewers followed the heart-wrenching drama about a teenager who took on the role of a mother to five street children while in search for her father’s love. Ito’y ginampanan nga ni Inah na umani ng papuri dahil sa kanyang akting sa serye.

Sey ng dalaga, hinding-hindi niya makakalimutan ang unang drama project niya sa GMA 7. She said, portraying her character as Maricel o Mama Cel made her realize that acting is what she really wants to do and pursue.

“Nu’ng una, nakaka-overwhelm siya pero kapag sanay ka na, okay na. You think you have accomplished everything already but after doing the show, I felt like I’ve accomplished a lot and I am really proud of myself because I didn’t expect na ‘yun ‘yung magiging potential ko. Actually, because of this show, na-realize ko na ito talaga yung gusto kong gawin,” aniya.

Sey naman ni Jake Vargas, marami rin siyang unforgettable scenes sa Oh My Mama bilang si Julio.
“Pinaka-memorable sa akin talaga ay yung role ko as Julio kasi first time ko na magkaroon ng character na maangas at matapang. Gusto ko rin talaga ‘yung mga ganitong klaseng role at nag-enjoy talaga ako doing our fight scenes,” chika ng aktor.

Mami-miss naman daw ni Jeric Gonzales, na gumaganap bilang Zach, ang mga katrabaho niya sa serye. And even though they will not be seeing each other on a regular basis, the connection between them will always remain intact.

“Sobrang close namin on and off cam. Ang turing namin sa isa’t isa ay pamilya. Kaming tatlo nina Jake at Inah, very close kami. Palaging masaya sa set kaya mami-miss ko talaga sila,” anang binata.

At sa pagtatapos nga ng serye bukas, sino nga ba kina Julio at Zach ang pipiliin ni Maricel? Malalaman pa ba nila kung sino talaga si “Big Boss”?

Yan ang tutukan ngayong Biyernes ng hapon sa Oh My Mama sa direksyon ni Neal del Rosario, after Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.

Read more...