Liza Dino: Baron sumosobra ka na…masahol ka pa sa hayop!

liza dino at baron geisler

HINDI rin napigilan ni Film Development Council of the Philippines chair Liza Dino-Seguerra ang kanyang galit kay Baron Geisler matapos nitong ihian at pagtripan ang indie film acror na si Ping Medina sa shooting ng pelikulang “Bubog.”

Idinaan ng asawa ni Aiza Seguerra ang kanyang mensahe kay Baron sa pamamagitan ng Facebook. Sinabi nito na gagawa sila legal na aksiyon laban sa aktor.

Narito ang kabuuan ng FB post ni Liza laban kay Baron: “SUMUSOBRA KA NA. INIHIAN mo ang co-actor mo sa eksena WITHOUT his consent? You have gone way too far. Masyado ka ng maraming inagrabyado. At ang lakas ng loob mo because you always get away it.

“We may not have guilds here who can really protect the welfare of our film workers but I will make sure this will never happen again to any actor. Legal action should be taken against YOU. I will make sure our council sees this through.

“Wala kang puwang sa industriyang ito! Tama si Ping, masahol ka pa sa hayop. Binababoy mo ang integridad ng propesyong nagbibigay ng kabuhayan sa’yo.”

Read more...