NAGING bisita namin sa “Chismax” last Sunday sina Alex Calleja at Marion Aunor. Si Alex ay writer ng It’s Showtime at Goin Bulilit at rumaraket din bilang comedian-host sa mga functions at events.
Siya ang panlaban ng Pilipinas sa “Laugh Factory’s Funniest Person In The World” kung saan isa siya sa mga nangunguna sa labanan. Ngayong Dec. 3 siya lilipad patungong US for the last round of qualifying event bago i-determine ang top 5 on Dec. 8 and 9 via a 24-hour on-line voting.
Labingsiyam na comedians from different countries ang makakalaban niya, such as India, Ireland, Saudi Arabia, Israel, Greece, Uganda, Pakistan, Brazil, Singapore, Jamaica, Indonesia, Finland, Croatia, Macedonia, Norway, Germany, Czech Republic and Slovenia.
Sana po ay masuportahan natin siya by simply liking votealexcalleja.com kahit ilang beses pa dahil malaking bagay (50%) ang boto to enter the top 5.
Masaya si Alex na fully supported siya ng mga kasamahan niya sa It’s Showtime lalo na nina Vice Ganda, Vhong Navarro at Karla Estrada, pati na ng ibang shows sa ABS-CBN, kasama na siyempre kami sa DZMM.
Kasama rin pala si Alex sa movie na “Mang Kepweng Return” bilang sidekick ni Vhong na balitang ipalalabas na rin daw ngayong Dec. 7 kung wala nang magiging aberya.
q q q
First time naman naming marinig si Marion na umawit ng madamdaming hugot song na Tagalog.
Doon kasi sa “Pumapag-ibig”, typical na millennial ang atake ni Marion. Sa bago niyang Tagalog single na may title na “Oo Nga Pala, (Hindi na Tayo)” na nilikha ng friend nating si Joven Tan, dalagang-dalaga ang magaling na singer-songwriter at aakalain mo talagang naranasan na niya ang hugot ng kanta.
Ang “Oo Nga Pala,” ayon pa kay Marion ay tungkol sa mga “broken hearted people who still can’t move on from their exes, despite their exes already having someone else.” Aguuyyy!!!
Pero napakaganda ng kanta. Tiyak na maraming makaka-relate sa kantang ito gaya natin kapatid na Ervin. Ha-hahaha!
By the way, kung may time po kayo, samahan ninyo kami nina Michael Pangilinan, Kiel Alo, Zion Aquino at Ash-ash Aunor sa isang gabi ng kantahan at kasiyahan sa bar tour concert ni Marion on Dec.1.
Gaganapin ito sa HIstoria Boutique Bar & Restaurant sa may Timog Ave, Q.C. at 7 p.m. onwards.
Ako ang magiging host ng event at may spot number din. Ha-hahaha! Hatid ito ng Hammerhead, Pervil Magic Cream, Ideal Vision, Coast Modelling Australia, Chato Sugay, Remedios Arbilon at marami pang iba.