Senado dapat magkaroon ng posisyon sa show-cause order vs de Lima-Drilon

de-lima-0323-660x371

SINABI Senate President Pro Tempore Franklin Drilon na dapat maglabas ng posisyon ang Senado bilang isang institusyon sa show-cause order na isinilbi ng Kamara laban kay Sen. Leila de Lima.
Binigyan si de Lima ng 72 oras para magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat i-contempt ng Kamara matapos sabihan ang kanyang dating boyfriend na si Ronnie Dayan, na huwag tumestigo sa pagdinig ng Mababang Kapulungan kaugnay ng iligal na droga.
“I would want that the institution, the Senate President, and the institution should tackle it, should respond to it. This is not only the issue of Senator De Lima, this is an issue of the whole Senate as an institution,” sabi ni Drilon.
Sinuportahan din ni Drilon ang desisyon ni de Lima na hindi kikilalanin ang show-cause order.

Naglabas naman ng pahayag sina Drilon, Sen. Francis “Kiko” Pangilinan at Sen. Bam Aquino bilang pagsuporta kay de Lima.
“One House of Congress cannot proceed against a member of another house without violating the principles of co-equality and inter-chamber courtesy,” sabi nina Drilon, Pangilinan at Aquino.
Pawang mga miyembro ng LP sina de Lima at ang tatlong senador.
“The correct procedure is to bring the matter officially before the entire Senate and not directly to one senator,” ayon pa sa kanila.

Read more...