ISA RIN si Bea Binene sa mga nalungkot nang hindi mapasali ang “Enteng Kabisote 10 And The Abangers” sa MMFF 2016.
Pangarap pa naman daw niya na sumakay sa float at mag-join sa Parade of Stars na nakatuwaan na niyang panoorin noong bata pa siya.
Kaya naman nang malaman daw ito ni Bossing Vic Sotto ay agad nitong sinabihan ang batang aktres na sumama na lang sa float ni Paolo Ballesteros dahil ang pelikula nitong “Die Beautiful” ay isa sa napiling official entry sa taunang festival. Kasali rin si Pao sa “EK10”.
But it was of course a joke dahil “anak” na rin naman ang turing ni Bossing kay Bea, pero ang sumunod ngang sinabi nito ang seryoso na – kapag napili raw next year ang gagawin nilang entry sure na sure na raw na mae-experience ni Bea ang parada.
O, di ba? With such a promise, ibig sabihin lang na gaya nina Mother Lily Monteverde ng Regal Films at Malou Santos ng Star Cinema ay hindi magsasawa si Bossing na gumawa ng movie for MMFF.
Pero dahil ngayong araw na ang magaganap na salpukan sa pagitan ng kanilang pelikula at ng movie nina Vice Ganda at Coco Martin, pinayuhan ni Bossing na magsipag sa pagpo-promote ang mga co-stars niyang Dabarkads, pati na rin si Bea. Ha-hahaha!