Brillante Mendoza best director sa Gijon Int’l filmfest para sa Ma’Rosa

brillante mendoza

MULING nakapag-uwi ng international best director award si Brillante Mendoza para sa kanyang award-winning film na “Ma’Rosa” starring Jaclyn Jose.

Waging Best Director si Brillante sa ginanap na 54th Gijon International Film Festival, isang Spanish-based award-giving body. Siya lang ang tanging Filipino na nanalo sa nasabing film festival na pinili ng international jury.

Sa kanyang Twitter account, ipinaabot ni direk Dante ang kanyang pasasalamat sa bagong pagkilala na ibinigay sa kanya, “Thank you to the 54th Gijon Intl film fest for the Best Director award for #MaRosa!”

Nitong nakaraang Mayo, nanalo namang Best Actress sa Cannes Film Festival si Jaclyn Jose para rin sa “Ma’Rosa”. Siya ang kauna-unahang aktres mula sa Pilipinas at South East Asia na nakapag-uwi ng nasabing international recognition.

Ang “Ma’Rosa” ay tungkol sa pinagdaanang hirap ng isang ina na naaresto ng mga pulis dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga. Kasama rin dito sina Andi Eigenmann, Julio Diaz, Maria Isabel Lopez, Mark Anthony Fernandez, Baron Geisler, Neil Ryan Sese at Mercedes Cabral.

Read more...