Transman ng PBB first kiss daw si Paulo

paulo avelino at jesi corcuera

GWAPUNG-GWAPO ang Kapamilya hunk actor na si Paulo Avelino sa transman na si Jesi Corcuera na napapanood ngayon sa PBB Lucky Season 7 bilang regular housemate. Unang naging magka-love team ang dalawa noon sa artista search ng GMA 7 na StarStruck.

Inamin na noon ni Jesi sa nasabing reality talent search na isa siyang tomboy ngunit sa kabila nito, pinagtambal pa rin sila ni Paulo sa ilang programa ng GMA noong 2006.

Sa panayam ng Tonight With Boy Abunda kay Paulo tinanong siya kung ano ang masasabi niya sa bagong itsura ngayon ni Jesi na isa na ngayong transman, “Gwapo!” ang bulalas ng binata nang ipakita sa kanya ang latest photo ni Jesi.

“I actually just found out a few weeks ago. Siya yung isa sa mga ipinartner sa akin noon,” sabi ng binata.
Ano ang masasabi niya kay Jesi noong magkasama pa sila sa kabilang istasyon? “I found her so pretty, para siyang si Halle Berry. Ang ganda. According to her, first kiss niya raw ako—off (camera) and on.”

Natanong din ang Kapamilya drama actor kung ano ang masasabi niya sa mga kasamahan niya sa blockbuster movie na “The Unmarried Wife” na sina Angelica Panganiban at Dingdong Dantes na naging host pa ng StarStruck noong sumali siya sa nasabing show.

“Working with Ange (Angelica), she’s very fun to work with because she’s very bubbly. Sometimes, she would be quiet on the set. Pero nandun lagi yung part ng pagktao niya na gusto niyang pasiyahin lahat ng tao sa paligid niya,” aniya.

Tungkol naman kay Dingdong, “Si Dong, isa sa mga iniidolo ko…not just because of his body of work but also because he’s a genuinely kind, great guy.”

Read more...