Sandara Park nag-sorry sa milyun-milyong fans ng 2NE1

sandara park

NAGING emosyonal ang K-Pop sensation at Pinoy Boyband Supertstar judge na si Sandara Park nang magbigay siya ng mensahe para sa lahat ng fans ng Korean girl group na 2NE1.

Ilang taon ding naging miyembro ng nasabing K-Pop group si Sandara na officially disbanded na nga, base sa ginawang annoucement ng grupo nitong nakaraang weekend. Dalawa sa mga pinasikat nilang mga kanta na labs na labs din ng mga Pinoy ay ang “Fire” at “I Don’t Care.”

Isang letter ang ginawa ni Sandara para sa milyun-milyong fans ng 2NE1 na nalungkot at naapektuhan ng pagkaka-disband ng kanilang grupo. Ang nasabing sulat ay ipinost sa Manila Korean Times’ Facebook page. Ginamit pa ni Dara ang ilang lyrics sa kanilang mga kanta para maiparating sa Blackjacks (tawag sa 2NE1 fans) ang kanyang nararamdaman.

Narito ang ilang bahagi ng nasabing liham, “I’m sorry and thank you, Blackjacks from the bottom of my heart.

“It hurts. MTBD. Please don’t go. I’m so lonely. We gotta stay together. Baby I miss you. I don’t care what other people say. I wanna scream to the whole world that I love you.

“Still falling in love with Blackjacks. Don’t cry. Can’t nobody hold us down so don’t stop the music.”
Dagdag pa ng Korean star with a Pinoy heart, “It ain’t over ‘till it’s over and it’s always gotta be you.”

Read more...