NAKATAKDANG magharap ang dating boyfriend ni Sen. Leila de Lima na si Ronnie Dayan at ang drug lord na si Kerwin Espinosa sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado na itinakda sa Disyembre 5.
Sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na kabilang ang dalawa sa mga inimbitahan ng Senate committee on public order and dangerous drugs, na kanyang pinamumunuan kaugnay ng imbestigasyon matapos mapatay si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. sa loob ng provincial jail sa Baybay, Leyte noong Nobyembre 5.
Kapwa isinabit nina Kerwin at Dayan si de Lima sa iligal na droga ng siya ay kalihim pa ng Department of Justice (DOJ), bagamat magkaiba ang taon na kanilang binabanggit.
Sinabi ni Kerwin na nangyari ang pagtanggap ni de Lima ng payola mula sa droga noong 2015, samantalang 2014 naman ang sinabi ni Dayan.
“I’m also inviting somebody from police regional office CAR to testify on the logbook [at the] hotel [where] Kerwin [stayed]. [It was] November 2015,” sabi ni Lacson.