May ka-chat na foreigner

Sulat mula kay Maria Mhamba ng East  Rembo, Fort Bonifacio, Makati City
Dear Sir Greenfield,
Sa kasalukuyan po ay maroon po akong ka-chat mate na foreigner at kapag daw nakapag-file na siya ng vacation leave this coming December or by January ay papasyalan at dadalawin nya daw ako sa Pilipinas. Kung magiging okey daw ang lahat, papakasalanan nya na rin daw po ako at isasama sa bansa nila. Taga Norway po siya Sir Greenfield at sa totoo lang po maganda ang usapan namin, dahil pakakasalan niya raw po ako at isasama sa bansa nila para doon na kami manirahan. Naisipan kong sumanggi sa inyo upang itanong kung matutupad kaya ang pangako nyang ito? Makapag-aasawa po ba ako ng isang foreigner at mapaninirahan sa ibang bansa? December 13, 1990 ang birthday ko.
Umaasa,
Maria Mhama ng Makati City

Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kapansin-pansin na may mahaba, malinaw at magandang Travel Line (Illustration 2-2 arrow 2.) sa iyong palad. Walang duda, possible ngang sa malapit na hinaharap, yong pangako ng ka-chat mate mong foreigner ay totohanin niya, kung saan ikaw ay papasyalan niya dito sa ating bansa, upang lalo pang lumawig at lumago ang inyong pagkakaibigan, hanggang sa tuluyan ng mauwi sa isang ganap at lehitomong relasyon.
Cartomancy:
Six of Diamonds, Seven of Diamonds at Ten of Heart sang lumabas (Illustration 1.) Ang mga baraha ang nagsasabi, sa taong ito ng 2016 hanggang 2017 sa larangan ng pag-ibig at pakikipag-relasyon ibat-ibang suwerte at magagandang kapalaran ang kusang mapapa sa iyo.
Itutuloy…

Read more...